Bumaba ng 16.7% ang rice imports ng bansa sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Ito ay batay sa datus na hawak ng Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry (BPI).
Lumalabas sa naturang datus na umabot sa 2.93milyong metriko tonelada ng bigas ang inbound shipment ng bigas hanggang nitong kalagitnaan ng Nobiembre.
Habang sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon, umabot sa 3.25 milyong metriko tonelada ang pumasok na shipment noon.
Sa unang kalahating bahagi ng Nobiembre, umabot sa 106,216.15 MT ng bigas ang rice imports.
Nananatili pa rin ang Vietnam na pangunahing source ng bigas. Sa kabuuan ng taon, ang Vietnam ay nakapag-ambag ng 2.62 milyong metriko tonelada ng bigas o katumbas ng 89.17% ng kabuuang import ng Pilipinas.
Sinundan naman ito Thailand, Myanmar, at Pakistan.