-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis ng pulisya ang gun for hire suspects na harap-harapang nambabaril sa mga kumakain lang ng mga pulis mula sa pagsagawa ng visibility police patrol operation sa Purok 4,Maigo,Lanao del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Norte Police Provincial Office Director Col. Sandy Vales na anggulo nang paghihigante ang nangungunang motibo kung bakit binaril ng gun for hire suspects sina Police Corporals Jeanette Limot at Pabliton Daing habang naghahapunan sa lugar.

Paglilinaw ito ng opisyal patungkol kung bakit nilusob ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima na gumamit ng kalibre 45 na baril at 9mm pistol.

Dinamay rin umano ng mga salarin ang isa pang sibilyan habang nakapag-return fire na ang mga kasamahan ng mga biktima sa crime scene.

Bagamat kapwa ligtas ang mga biktima dahil hindi seryoso ang mga natamo nila na mga sugat.

Magugunitang ikinagalit umano ng mga kaanak ng ilang naarestong susepected carnappers ang visibility patrol operation kay kumuha umano ng mga tirador upang gantihan ang mga pulis sa lugar.