-- Advertisements --
Dumami ang bilang ng mga pumapasok sa local stock market ngayon panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Philippine Stocks Exchange (PSE) na mayroong 45 percent ang pagtaas ng mga retail investors ngayong unang quarter ng taon.
Mas mataas ito kumpara sa 26.9 percent noong 2020 at 18.2 percent noong 2019.
Sinabi ni PSE president Ramon Monzon , na kahit na nagkaroong epekto sa ekonomiya ang pandemiya ay hindi pa rin nawalan ng interest ang mga tao na mag-invest.
Naging malaking factor nito ay ang pagkakaroon ng digital style na ng mga PSE.










