-- Advertisements --

Pormal ng umupo bilang bagong adminsitrator ng Office for Transportation Security (OTS) si retired Lt. General Raul del Rosario.

Ayon sa Department of Transportation, napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni Del Rosario noong Agosto 28.

Bago dito ay naging vice president for airport operations of Clark International Airport Corp.

Naging aktibo ito sa military sa loob ng 37 taon na hinawakan ang Western and Central commands ng AFP at ibang mga posisyon sa ilalim ng Philippine Air Force.

Sinabi ni transportation Secretary Arthur Tugade , na malaki ang tulong ni Del Rosario sa ahensiya lalo na ang pagpapatupad ng seguridad sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa.