-- Advertisements --

Iniulat ng Office for Transportation Security (OTS) na umabot na sa halos 200 bala ang nakumpiska sa iba’t ibang paliparan sa bansa ngayong Holy Week. Karamihan sa mga ito ay nadiskubre sa mga routine security screening ng mga pasahero.

Ayon kay OTS Administrator Usec. Gilbert Cruz, higit 100 sa mga nasabat na bala, live at blank ammunition ay mula sa Ninoy Aquino International Airport, kung saan patuloy ang mahigpit na inspeksyon sa Terminal 3.

Sinabi rin niya na may mga pasaherong nagsasabing aksidenteng naisama lamang ang bala sa kanilang gamit o ginagamit bilang “anting-anting,” habang ang iba ay isinasailalim sa profiling kung mapatunayang walang malisyang intensyon.

Samantala, isang babaeng pasahero sa Palawan airport ang nahulihan ng 65 live ammunition mula sa M-16 magazines at isinuko sa Philippine National Police, na ngayon ay nahaharap sa kaso ng illegal possession of ammunition. (report by Bombo Jai)