-- Advertisements --
cropped Supreme Court 1

Nakatakdang ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng Bar examination noong nakalipas na taon sa Abril 14.

Ito ay limang buwan makalipas ang idinaos na pagsusulit.

Ginawa ang anunsiyo matapos ang special Supreme Court En Banc session sa 2022 Bar examinations base sa inilabas na notice na nilagdaan ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Ang mga Bar passer ay makakakuha ng 30 pinakamataas na total average at ang law schools na makakapasok sa 5 highest Bar passers’ percentages ay iaanunsiyo sa parehong araw.

Itinakda naman ang petsa ng panunumpa o oath-taking at roll-signing ng mga makakapasa sa Bar exam sa Mayo 2, ng kasalukuyang taon.

Matatandaan, nasa 9,183 bar examiness mula sa iba’t ibang law schools ang kumuha ng pagsusulit sa apat na magkakahiwalay na araw noong November 2022 Philippine Bar Examination.