-- Advertisements --

Nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go na respituhin ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa tuluyang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika matapos na lagdaan ang notice of termination.

Ayon kay Go prerogative ng Pangulo ang kaniyang naging hakbang bilang pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas sa pakikialam ng Estados Unidos sa internal matters ng bansa.

Nirerespeto at naunawaan naman ni Go ang mga kasamahang senador sa pagbibigay ng opinyon taliwas sa naging hakbang ng Pangulo.

Aniya pinaiiral lamang ng mga kasamahang senador ang co-equal branch of government.

Nanindigan ang opisyal na suportado niya ang hakbang ng Pangulo kung saan maari naman na maibalik ang VFA sa pagitan ng gobyerno ng Estados Unidos sa susunod na administrasyon matapos ang termino ng Pangulong Duterte sa 2022.