Naisumite na para sa resolution ang reklamo laban kay Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) leadera Jey Rence Quilario o kilala bilang si Senior Agila at ilang mga kasamahan nito.
Ayon kay Department of Justice Spokesperson Mico Clavanio, na matapos ang preliminary investigation ay kailangan na nilang iresolve ang kaso ng mabilisan.
Dumalo sa preliminary investigation na kasama ni Quilario sina Mamerto Galanida, Janeth Ajoc, at Karren Sanico sa reklamong qualified trafficking, kidnapping and serious illegal detention, paglabag sa child marriage, paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Explotation and Discrimination Act na inihain laban sa kanila at siyam na iba pang kasamahan nila.
Sinabi naman ng abogado ng SBSI na si Atty. Hillary Olga na naghain na rin sila ng supplemental counter affidavits para sa dagdag na ebidensiya na inihain sa kanila ng National Bureau of Investigation.
Sinabi naman ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na maaring sa kalagitnaan ng Nobyembre mailalabas nila ang resolusyon.