-- Advertisements --

NAGA CITY – Epektibo na ngayon ang napagkasunduang resolusyon ng Bicol Inter Agency Task Force na Resolution No. 07 o Prohibition Against Unauthorized Checkpoints.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Anthony Nuyda, regional director ng DILG-Bicol, sinabi nito na nakapaloob sa nasabing resolusyon na tanging ang PNP/AFP lamang ang dapat na nagsasagawa ng checkpoint sa iba’t ibang lugar.

Kaugnay nito, asahan na umano na kaunti na lamang ang mga checkpoint operations dahil narin sa kakulangan ng numero ng mga kapulisan lalo na sa ibang lugar.

Ngunit kung sakali naman umanong payagan ng PNP ang ibang grupo ay saka lamang ito papayagan na magsagawa ng checkpoints.

Ayon kay Nuyda, nag-ugat ang nasabing resolusyon dahil sa maraming mga reklamong kanilang natatanggap.

Nilinaw naman ni Nuyda na re-iteration lamang ito ng una nang ipinalabas ng IATF.