Kinumprima ni PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na maglalabas na sila ng resolusyon lalo na sa mga kontobersyal na kaso na kanilang iniimbestigahan ngayon.

Kabilang sa mga controversial cases ay ang pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo at pagkakasangkot ng ilang CIDG sa kasong kidnapping sa Bulacan.

Sinabi ni Atty. Triambulo sa Bombo Radyo na kanila pa lang papirmahan kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang resolution para sa kaso laban sa grupo nina SSupt. Marvin Marcos kung maaabswelto ang mga ito o masisibak sa serbisyo.

Dagdag pa ni Triambulo na kasama na rin dito ang kaso nina SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang primary suspek sa pagpatay kay Kee Ick Joo.

Aniya, sa darating na March 22 magsasagawa sila ng pressconference para sabay sabay irelease ang official decision ng PNP ukol sa mga akusadong pulis.

-- Advertisement --

Inihayag ng PNP Inspector General na may timeline silang ibinigay sa senado kung saan dapat by March 31 nakalabas na sila ng final decision sa mga controversial cases na hawak ng IAS na subject sa senate inquiry.