Itinutulak ngayon sa Kamara ang resolusyon na naglalayong payagan na magamit bilang quarantine faciltiies para sa mga mild COVID-19 cases ang mga hotels na hindi na nagagamit dahil sa pademya.
Sa ilalim ng House Resolution No. 1694 na inihain ni Deputy Majority Leader Jesus “Bong” Suntay, hinihimok si Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong sa pag-decongest sa mga ospital sa Metro Manila sa pamamagitan nang pag-repurpose sa mga hotels bilang accomodation centers para sa COVID-19 patients na mayroong mild symptoms o kahit iyong mga non-COVID-19 patients na rin.
Sinabi ng kongresista na ang mga hotels at accomodation facilities na ito ay pawang nasa ilalim ng restricted operations kasunod nang implementasyon ng lockdowns sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.
Base sa ilalim ng Republic Act No. 111494 o ang Bayanihan to Heal as One Act, sinabi ni Suntay na maaring mag-takeover pansamantala ang estado sa mga pasilidad na ito tuwing mayroong national emergency at kung kakailanganin ito ng publiko, subject pa rin sa limitasyon na nakasaad sa 1987 Constitution.
Sa hiwalay na statement, sinabi ni Suntay na ang resolusyon na ito ay makahanay sa apela ng Philippine College of Physicians na humihiling kay Pangulong Duterte na payagan ang paggamit ng mga hotels sa Metro Manila para maluwagan ang mga healthcare facilities.