-- Advertisements --

Nasa mahigit 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang pagsiklab ng malaking sunog sa Baseco compound, sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa Block 17 Old Site Baseco Compound, Port Area, Manila dakong 7:40 ng gabi.

Umabot itong hanggang ikaapat na alarma matapos ang halos isang oras.

Sinasabing nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay sa Pasig riverside.

Nakontrol na lamang ang sunog matapos ang mahigit dalawang oras.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.