-- Advertisements --

Sisimulan nang ipatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa katapusan ng buwan ng Hulyo ang 100-basis-point reduction sa reserve requirement ng mga thrift banks (TBs) at rural and cooperate banks (RCBs).

Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, simula Hulyo 31, 2020 ang reserve requirement ng mga TBs ay gagawin na lamang 3 percent at ang sa RCBs naman ay 2 percent.

Inaasahan ni Diokno na tataas ang lending capacity ng mga bangko na ito para masuportahan ang financial requirements ng mga micro,small, and medium enterprise (MSMEs) gayundin ang  kanilang rural community-based clients.

Makaktulong din ito para mapababa ang intermediation costs at mapadali ang hirap na kinakaharap ng mga bangko na ito.

Nauna nang binawasan ng BSP ang reserve requirement ratio para sa lahat ng universal at commercial banks ng 200 basis points.

“This move is also part of the BSP’s omnibus package of reforms aimed at assisting the banking public with their liquidity requirements during the Corona Virus Disease 2019 pandemic and supporting the transition towards a sustainable recovery during the post-crisis period,” ani Diokno.