-- Advertisements --
Tumaas ang reserbang dolyar ng Pilipinas sa $104 billion noong Marso.
Ito ay kasunod ng panibagong deposito ng pamahalaan sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Base sa preliminary data na inilabas ng BSP, lumobo ang gross international reserves ng bansa mula sa $102 billion na naitala noong Pebrero.
Ang GIR ay nagsisilbi bilang buffer ng bansa laban sa external shocks. Ang reserve assets ng BSP ay kinabibilangan ng foreign investments, gold, foreign exchange, reserve na nakalagak sa International Monetary Fund at special drawing rights.
Sa pagtaya ng central bank, inaasahang papalo sa $103 billion ang reserbang dolyar ng bansa ngayong 2024, bahagyang mas mababa sa $103.8 billion noong nakalipas na taon.