-- Advertisements --

Naghain ng petisyo n sa Korte Suprema si Duterte Youth Chairman Ronald Cardema matapos ang pagsuspendi ng Commission on Election (COMELEC) ng kanilang proclamation.

Sinabi nito na humirit siya ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Mandatory injunction.

Giit nito na ang ginawa ng COMELEC ay pagmamalabis at isang uri ng pang-aabuso.

Dagdag pa nito, na dapat ay noong nakaraang linggo pa nila sinabi na hindi sila kasama sa proclamation para magawan nila ito ng paraan at hindi sa ilang oras bago ang proclamation tsaka sila inabisuhan.

Una ng sinabi ni COMELEC chairman George Garcia na kaya nila sinuspendi ang proclamation ng Duterte-Youth at Bagong Henerasyon Party-list dahil sa mga nakabinbin na disqualification petisyon.