Welcome umano sa Department of Health (DoH) ang report ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na isa ang Pilipinas sa mga bansang lubhang tinamaan ng tigdas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Health Sec. Francisco Duque III, totoo raw ang report ng UNICEF pero ginagawa lahat ng pamahalaan ang kanilang makakaya para mabakunahan ang lahat ng mga bata.

Target daw ng DoH na mabakunahan ang mahigit P12 million indibidwal sa bansa para hindi na mapahamak sa naturang sakit.

Sa pinakahuling data ng DoH lumobo na sa 215 ang namatay dahil pa rin sa tigdas outbreak sa bansa.