Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang oversight committee ng kagawaran na mahigpit na i-monitor ang mga repormang ipinapatupad sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ginawa ni Guevarra ang naturang pahayag sa gitna ng mga ulat na lalo pang lumala ang kondisyon ng mga bilanggo sa national penitentiary matapos na magsagawa ng demolition sa ilang nakatayong illegal structures doon.

“I have directed the interim DOJ oversight committee to closely monitor reforms being initiated by the new BuCor leadership and ensure that such reforms are being implemented within the bounds of the law and with due consideration for the well-being of inmates in our penitentiaries,” ani Guevarra.

Sinabi ng kalihim na nais niyang matiyak na tama ang ginagawang reporma ni Bantag at hindi ito out of bounds.

“It also includes instituting disciplinary action whenever warranted,” dagdag pa nito.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay sinimulan ng BuCor at ng Philippine National Police ang demolition sa pagnanais na masupil ang illegal business dealings sa national penitentiary.