-- Advertisements --
image 34

Naipasakamay na ng Philippine Statistics Authority sa Manila Central Post ang mga bagong naimprentang Philippine identification Card(PHILID).

Ang mga naturang ID ay kapalit ng mga PHILID na nasira matapos masunog ang Manila Central Post noong Mayo ng kasalukuyang taon.

Umaabot ito sa kabuuang 7,352 ID

Tininiyak naman ni Undersecretary Dennis Mapa na walang babayaran ang mga may-ari ng naturang mga ID. Matatanggap aniya nila ang mga ito, sa pamamagitan ng kanilang inilagay na address sa kanilang mga ID cards.

Batay sa datus ng PSA, umaabot na sa 43,382,725 PhilID ang naimprenta at nailabas ng Banko Sentral ng Pilipinas habang 36,472,753 ang naideliver narin ng mga PhilPost office.

Ang BSP ang nagsisilbing printing partner ng PSA sa PhilID.