-- Advertisements --

Hinihintay na lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang P820 milyon augmentation fund na nakalaan para sa ahensya mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ito’y matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr., na nasasaid na ang pondo ng DFA para sa repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Mula kasi sa taunang budget na P1 bilyon ay P19 milyon na lamang ang natitira. Ayon pa sa kalihim, mayroon pang 177,000 OFWs ang nakatakdang i-repatriate mula sa ibayong dagat.

Karamihan umano ng mga stranded OFWs ay nasa Middle East na may kabuuang bilang ng halos 50,000 katao.

Maraming engineer din sa Middle East ang nawalan ng trabaho ngunit mas kailangan daw ngayon sa nasabing bansa ang mga domestic helper.

Batay sa datos ng ahensya, aabot ng 208,000 OFWs ang nakabalik na ng bansa simula noong kumalat ang coronavirus pandemic.