-- Advertisements --
vcm voting

Target ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na tapusin ang refurbishment ng 97,700 vote counting machines (VCMs) sa buwan ng Nobyembre.

Ang naturang mga VCM ay gagamitin sa halalan sa susunod na taon.

Sa isang panayam matapos ang walkthrough ng poll body sa warehouse sa Sta. Rosa, Laguna on sinabi ni Commissioner Marlon Casquejo sinabi nitong nanalo sa bidding para sa refurbishment contract na nagkakahalaga ng P600 million ang Smartmatic.

Kung susumahin nasa P7,000 daw ang budget ng refurbishment kada VCM para sa P600 million na pondo.

Mas mainam na raw na ayusin na lamang ang mga VCM na ginamit noong mga nakaraang halalan kaysa bumili ng bagong machines na nagkakahalaga ng P12 billion.

Nasa 5,000 raw sa mga naturang machine ang isinasailalim na sa “thorough fixing.”

Umaasa si Casquejo na ito na ang huling pagkakataon na gagamitin ang mga VCM sa national elections dahil matagal na rin ang mga ito.

Pero puwede pa rin naman umanong gamitin ang magsi-siyam na taon nang mga makina sa pagsasagawa ng mga special elections o plebesito.

Kung maalala taong 2010 nang gumamit na ang bansa ng automated election system para sa national at local elections.