Nagbigay pugay si Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar sa pumanaw na si Gov. Carlos Padilla ng New Vizcaya na nagpa-abot din ng kaniyang pakikiramay sa pamilya ng namayapang opisyal.
“Kami ay lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng isang dedikado at inspiradong pinuno sa Gov. Padilla, na nagpakita ng hindi natitinag na pangako na isulong ang kapakanan ng kanyang mga kababayan,” pahayag ni Villar.
Ayon kay Rep. Villar, bilang isa sa mga pinuno ng Nationalist Party na nakikiisa rin ang kanyang pamilya sa mga opisyal at miyembro ng partido na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Gov. Padilla.
Dagdag pa ni Rep. Villar na patuloy silang kumukuha ng inspirasyon sa mga naging kontribusyon ng namapayapang opisyal.
“Patuloy kaming kumukuha ng inspirasyon sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa serbisyo publiko – ipagpapatuloy niya ang nakabubuo na proyekto bilang nag-iisang distrito ng Nueva Vizcaya at gobernador ng lalawigan sa loob ng maraming taon,” dagdag ni Villar.
Batay sa ulat, namatay umano si Padilla, dahil sa atake sa puso noong Biyernes.
Si Padilla, na nanalo sa halalan bilang gobernador noong 2016, ay naglilingkod sa kanyang ikatlong termino.
Sinimulan ni Padilla ang kanyang karera sa pulitika bilang unang alkalde ng lumang bayan ng Dupax, bago ito nahati sa tatlong munisipalidad.
Nagsilbi rin siya bilang unang alkalde ng Dupax del Norte nang hatiin ang bayan sa Dupax del Norte, Dupax del Sur at Alfonso Castañeda.
Naglingkod din siya bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Nueva Vizcaya sa loob ng 29 na taon, kung saan siya ay deputy speaker at minority leader.