-- Advertisements --
Sinampahan ng reklamo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng patong-patong na kaso si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
May kaugnayan ito sa naganap na pagpatay sa Negros Oriental noong taong 2019.
Kasama na kinasuhan sina alyas Hannah Mae (three counts), Richard Cuadra alyas Boy Cuadra (two counts),
Jasper Tanasan alyas Bobong Tanasan (two counts), Rolando Pinili o alyas Inday (two counts) at Alex Mayagma (one count).
Base sa reklamo na inihain na sila umano ang mga nasa likod ng krimen na naganap noong Marso 25, 2019 sa Siliman Medical Center sa Dumaguete City, Mayo 26, 2019 sa Brgy. Nagboalao, Basay, Negros Oriental, at noong Hunyo 23, 2019 sa Bayawan City.