Pinuna ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang umano’y malaking butas sa legal strategy ng kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment case.
Ayon kay Ridon, hindi puwedeng kuwestiyunin ng kampo ang proseso sa Korte Suprema habang sabay na sinasabing handa silang humarap sa Senate impeachment trial, na bahagi rin ng parehong prosesong kanilang tinututulan.
Iginiit niya na dapat bawiin muna ng kampo ni Duterte ang kanilang petisyon sa Supreme Court bago lumahok sa paglilitis, kung hindi ay lalabas itong “contradictory” at mahina sa legal na posisyon.
Dagdag pa niya, hindi sapat ang pagkuwestiyon sa ebidensya kung walang konkretong pagsagot o pag-refute dito, isang taktika na aniya’y maaaring magpahina sa depensa sa darating na impeachment trial. (report by Bombo Jai)
















