-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Misamis Occidental 2nd District Representative Ando Oaminal at ng kapatid nito na si Ozamiz City Mayor Indy Oaminal sa pagpatay sa isang local whistleblower at police informant na nakilalang si Glenn Hernando.

Ang biktima na si Hernando ay binaril patay nuong August 30, 2022.

Batay sa report, bago pa ang pagpaslang, ang biktima na local whistleblower ay nagbigay ng mahalagang impormasyon sa Ozamiz City law enforcement officials hinggil sa presensiya ng mga splinter groups at remnants ng organized crime syndicate ang Kuratong Baleleng Group.

Dahil sa insidente, agad na bumuo ng quick response team ang Ozamiz City Police Station sa pangunguna ni PMaj. Dennis Tano na naging dahilan sa pag aresto sa mga suspek ang driver ng getaway vehicle at ang isa pang kasabwat.

Ang mismong gunman na nakilalang si Richie dela Cruz ay nakatakas na nagtamo ng sugat habang nakikipag barilan sa mga otoridad.

Siniguro naman ng mga Oaminal ang hustisya sa pagkamatay ni Hernando.

Nag-alok din ang mga Oaminal ng P500,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matulungan ang Ozamis Police Department na mahuli ang gunman na si dela Cruz.

“This is a cowardly, condemnable act, and our deepest sympathy goes to the family and friends of Glenn,” the Oaminals said in a joint statement. “Our priority right now is to ensure that Glenn’s sacrifice is not in vain, and to make certain that justice will be served swifty and soundly. This incident shows that criminals still operate among us, and need to feel the full weight of law enforcement upon them,” pahayag ng mambabatas at ng alkalde.