-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Surigao del Sur Representative Romeo Momo ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa kanya at iginiit na bahagi lamang umano ito ng “politically-motivated” na pag-atake laban sa kanyang pangalan.

Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng kongresista ng Surigao del Sur na hindi niya hahayaang maapektuhan ang kanyang trabaho at serbisyo publiko dahil sa mga reklamong inihain laban sa kanya.

Kabilang si Momo, na chairperson din ng House Committee on Public Works and Highways, sa mga respondenteng sinampahan ng reklamong plunder at graft kaugnay ng umano’y iregularidad sa ilang infrastructure at procurement projects.

Ayon kay Momo, ang mga paratang ay walang basehan at bahagi lamang umano ng pamumulitika matapos siyang mabigong matalo ng kanyang mga kritiko. (Report by Bombo Jai)