Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Muling pinalasap ng pagkatalo ng outgoing Dinagat Islands province congresswoman na si Arlene “Kaka” Bag-ao ng Liberal Party ang maimpluwensyang pamilya Ecleo.

Ito’y matapos siyang maiproklama bilang bagong gobernador ng nasabing lalawigan kung saan tinalo nito si incumbent Vice Governor Benglen Ecleo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan.

Kung maaalala, binansagang “Dragon Slayer” si Bag-ao dahil sa sunod-sunod na pagtalo niya sa mga higanteng Ecleo politicians na ilang taon ding naging mga lider ng kanilang lalawigan.

Taong 2010 nang manalo siya pagka-kongresista laban kay Gwendolyn Ecleo, sinundan noong 2013 nang talunin naman si Geraldine Jade Ecleo sa lone district ng isla, habang si Governor Glenda Ecleo ang hindi pa niya nakaharap na ngayo’y last termer na pagka-gobernador.