Pormal nang naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa pagka Senador sa darating na 2025 midterm elections.
Sinabi ni Tulfo na hindi sila titigil na ipaglaban ang karapatan at interes ng ating mga kababayan, kaya mula Kongreso hanggang sa Senado ay walang humpay nitong magsusulong ng mga polisiya, papanukalang batas, at mga programang magpapa-angat sa estado ng buhay ng bawat Pilipino lalong lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Siniguro ni Tulfo na kaisa ng sambayanang Filipino ang ACT-CIS Partylist sa layuning kakampi nito ang mga inaapi.
Lubos namang nagpapasalamat ang Kongresista sa walang sawang suporta at pagmamahal na ibinibigay ng publiko sa kaniya.