-- Advertisements --

Nanawagan si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng hold departure order laban kay Kingdom of Jesus Christ founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy, na wanted ng US Federal Bureau of Investigation dahl sa labor trafficking charges na kinakaharap nito.

Umaapela ang kongresista sa DOJ na gawin ang lahat ng mga nararapat na hakbang para maabot ng mga nabiktima umano ni Quiboloy ang inaasam na hustisya ng mga ito kahit pa salungat ito sa ninanais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patutsada ni Brosas na malaking hamon sa Duterte regime na huwag kanlungin si Quiboloy, na aniya’y “wanted sex trafficker.

Ayon kay Brosas, “playing the victim” daw sa ngayon si Quiboloy, at mas mainam kung sumuko na lamang ito sa mga awtoridad.

“Pa-victim itong si Pastor Quiboloy. Eh siya itong maraming biniktimang kababaihan at menor de edad ayon sa indictment charges laban sa kanya. For someone who is accused of molesting minors and trafficking victims to the US, Quiboloy must really be thick-faced to liken himself to biblical figures. Sumuko na lang dapat siya,” saad ng kongresista.

Nauna nang sinabi ng FBI na si Quiboloy ay wanted dahil sa umano’y papel nito sa labor trafficking scheme.