Todo tanggi pa rin si dating House Speaker at re-elected Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na binantaan niya na ipapahiya si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kapag muling nahalal bilang lider ng Kamara.

Sa isang panayam sinabi ni Alvarez na handa niyang isuko ang kanyang bid sa pagbabalik bilang speaker kung mapapatunayan ang sinasabing video ng kanyang pagbabanta laban sa anak ng Pangulo.

Nirerespeto naman daw ng kongresista ang pahayag ni Duterte-Carpio kamakailan na nagsabing hindi ito makikipag-ayos sa kanya.

Kinumpirma rin ng dating House speaker na nakausap na niya ang Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanyang pagtakbo ngunit wala siyang natanggap na tugon mula rito.

Sakali umanong masungkit niyang muli ang liderato ng mababang kapulungan, ani Alvarez, agad niyang tutukan ang pagpasa ng ikalawang package ng Tax Reform Law at 2020 national budget.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here