Nagbabala si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Rep. Robert Ace Barbers kaugnay sa bagong modus na pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.
Sinabi ni Barbers mas nagiging maparaan na ngayon ang mga drug syndicates sa pagpapasok at pagtutulak ng iligal na droga.
Aniya, dapat na aniya itong tapatan ng mas mahigpit na pagbabantay ng ating mga awtoridad para protektahan ang mga Pilipino.
Dahil dito nanawagan si Barbers sa ibang mga bansa gaya ng US na paigtingin ang kanilang border control.
Ang pahayag ni Barbers ay kaugnay sa pagkakasangkot ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa iligal na droga.
Pagbibigay-diin ni Barbers, dapat sa US Customs and Border Protection pa lamang ay nasabat na ang naturang iligal na droga at hindi na napadala pa sa Pilipinas.
Magugunita na ang iligal na droga na tinanggap ng anak ni Secretary Remulla ay mula sa San Diego sa Amerika.