-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Civil Service Commission (CSC) ang renominasyon renomination ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang Chairperson-designate ng ahensya.

Ayon kay CSC Senior Commissioner Aileen Lourdes A. Lizada maganda na ang kanilang simula sa naunang maikling stint ni Nograles sa Komisyon.

Kabilang sa mga plano ni Nograles sa ahensiya ay baguhin ang mga lumang mode ng paghahatid ng serbisyo sa pamamagitan ng mga proactive HR policy at programs, digitalization, at upskilling ng government workforce.

Ipinunto din ng CSC na, dahil sa mabilis na pagbabago ng mga pangangailangan at kondisyon ng mga manggagawa, ang prayoridad nito ay gawing adaptive at maliksi ang paghahatid ng serbisyo publiko upang matiyak ang pagpapatuloy kahit sa gitna ng mga krisis o emerhensiya.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Nograles kay President-elect Marcos para sa isa pang pagkakataon na mamuno sa constitutional body.

Magugunitang, si Nograles ay binigyan ng ad-interim appointment bilang CSC Chairperson ni incumbent President Rodrigo Roa Duterte noong Marso 4, 2022 at nagsilbi hanggang Hunyo 1, 2022.