-- Advertisements --

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tuluyang mababasura ang natitirang drug case na isinampa laban kay dating senador Leila De Lima.

Sinabi ng kalihim na malinaw na nakita ng huwis na hindi sapat ang ebidensiya para maidiin ang dating senador sa kaso.

Dagdag pa nito na tanging ang huwis ang nagbibigay ng desisyon kung nakikita nitong mahina ang mga ebidensiyang inihahain sa korte.

Magugunitang pinayagan ng Muntinlupa Regiona Trial Court (RTC) Branch 26 ang mosyon ng dating mambabatas na payagan siyang makapagpiyansa.