Hindi magbabago at mananatiling malakas ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at America sinuman ang manalo sa makasaysayang US presidential elections, ayon kay US acting ambassador to Philippines John Law.
Sinabi na ni Law na ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay mananatiling “productive” anuman ang magiging resulta ng presidential contest sa pagitan nin Republican President Donald Trump at Democratic challenger Joe Biden.
“Every US Embassy works very hard for the best possible relationship with the host government. We will continue to do that here in Manila regardless of the results of the US election,” ani Law.
Mababatid na crucial para sa Pilipinas ang halalan sa Estados Unidos sapagkat maaring mabago nito ang trajectory ng relasyon ng Washington at Pangulong Rodrigo Duterte.
Mababatid na umani nang batikos kay US President Barack Obama ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.
Hindi nagpatinag dito si Duterte at nagbato rin ng maanghang na batikos laban sa dating pangulo ng America, na isang Democrat.
Sakaling manalo si Biden, siya na ang ika-46 Presidente ng Estados Unidos.
Hindi kagaya ng kanyang sinundan, naging tahimik si Trump at hindi gaano bumabatikos sa pamamalakad ni Pangulong Duterte sa Pilipinas.