-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 250,000 na trabaho ang inaalok ng Department of Labor and Employment sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day.

Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment head Assistant Secretary Patrick P. Patriwirawan Jr, maaring magtungo ang mga job applicants ngayong araw sa 69 job fair sites sa buong bansa.

Kabilang sa mga trabahong inaalok ngayong araw ay manufacturing, retail, BPO, accommodation/food service activities, at financial/insurance.

Bukod dito ay alok rin ng ahensya ang mga trabahong may kinalaman sa production operators, sales clerks, call center representatives, service crews, at microfinance officers.

Dito naman sa Metro Manila, magsisilbing main job fair venue ang SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay .

Inaanyayahan ng ahensya ang lahat na samantalahin na ang pagkakataong ito para makapaghanap ng trabaho dahil sa libo-libong alok na mga job vacancies. (report by Bombo Jai )