-- Advertisements --

Pumalag si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa pagsasampa ng reklamong sedition laban kay Vice President Leni Robredo at 35 iba pa.

Wala aniyang basehan ang reklamong ito na maituturing lamang bilang harassment sa bise presidente at mga kritiko ng Duterte administration.

Kinuwestiyon pa ni Zarate ang timing ng paghahain ng naturang reklamo kung saan ilang araw na lamang bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Para sa kongresista, target lamang ng reklamong ito na pigilan ang mga kritikal sa pamahalaan na batikusin ang administrasyon at magsagawa ng mga kilos protesta sa araw ng SONA ng Pangulo.

Kung siya aniya ang tatanungin, malabong tatayo sa korte ang reklamo laban kina Robredo.