BAGUIO CITY – Kinilala ni National Task Force for COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. ang Cordillera Administrative Region bilang Best Performing Region sa kampanya laban sa COVID-19.

Ayon kay Galvez, maganda ang mga hakbang na isinasagawa sa rehiyon para mapigilan ang pagkalat ng corona virus sa rehiyon.

Aniya, nakontrol ng Cordillera ang pagkalat ng virus dahil sa ngayon ay nasa 46 lang ang kabuuang kaso ng sakit sa buong rehiyon.

Sa nasabing bilang, walo ang aktibong kaso, 37 ang gumaling na at isa ang namatay.

Samantala, kinilala din ni Sec. Galvez ang Baguio City bilang Model City dahil sa mababang kaso ng corona virus na naitala sa City of Pines.