-- Advertisements --
cropped marawi ruins 5 1

Nakatakdang tapusin ngayong taon ang rehabilitasyon na isinasagawa ng pamahalaan para sa Marawi City mula sa mga pinsalang tinamo ng syudad noong Marawi Siege 2017.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Assistant Secretary Melissa Aradanas, nauna nang naglabas ng ang Department of Human Settlement and Urban Development ng isang direktiba sa lahat ng member-agencies na tapusin na sa lalong madaling panahon ang isinasagawang rehabilitasyon.

Ani Aradanas, bago matapos ang 2023 ay kailangan nang maipakita ng mga ito ang completion report.

Kasabay ng nasabing direktiba, pinapadoble naman ng ahensiya ang bawat ahensiya na nakatutok sa rehab upang matiyak ang maayos na pagtatapos nito.

Ayon kay ASEC Aradanas, sa kasalukuyan ay on-track ang isinasagawang rehabilitasyon sa kabuuan ng Marawi City.