DAVAO CITY – Huli sa drug bust bust operation ang isang registered nurse ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Kinilala ng Sta. Ana Police Station ang suspek na isang Denver Arenzol, 32 taong gulang, isang registered nurse ng Southern Philippines Medical Center, residente ng Special Block, San Antronio Agdao, Davao City.
Kasama niyang nahuli ang isang John Mansueto, 39 na taong gulang, binata, walang trabaho, residente sa Block 16, Lot 2, Garcia Hieghts Barangay 19-B Davao City.
Isinagawa ang buy bust operation sa isang Inn sa Cabague Avenue, Davao City na kung saan nabilhan ang mga suspek ng shabu nabawi din sa kanila ang iba pang sachet.
Ayon kay John karamihan sa kanilang mga kasamahan ay nasa LGBT community dito sa lungsod ng Davao.
Nakakulong na ang dalawa sa Sta. Ana Police Station at inihanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.