Iniulat ng National Irrigation Administration (NIA) na nakabuo na ng kani-kanilang mag El Nino Action Plan ang mga Regional Offices nito, sa buong bansa.
Batay sa isinapubliko ng ahensiya na Action plan, binubuo ito ng mga mitigating measures na kinabibilangan ng mga sumusunod.
- maayos na schedule ng water delivery
- paggamit ng Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology
- Crops diversification, sa tulong ng Department of Agricultur,
- Paggamit ng mga early maturing at drought-resistant crop varieties.
- weekly monitoring at updating sa kondisyon ng dam.
Kasama rin dito ang mas malawak na Information, Education and Communication (IEC) activities sa mga magsasaka ng bansa at ang pag- adjust sa planting calendar sa panahon ng tag-ulan.
Upang mas maayos ang plano ng ahensiya na magsagawa ng regular na Regional Coordination Meetings and Discussions kasama ang lahat ng NIA Field Offices sa buong bansa.
Una nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council na pinaghahandaan nito ang posibleng epekto ng El Nino Phenomenon sa hanggang 46 na lalawigan sa buong bansa.