-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinawi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangamba ng iilan hinggil sa pondong nakalaan para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng iba’t ibang kalamidad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, tiniyak ni DSWD Secretary Rolando Bautista na mayroon silang sapat na pondo para sa pagtulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad na tatama sa bansa.

Aniya, mayroon umanong P6 bilyon na nakalaan bilang standby funds maliban pa sa P100 milyon para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Dagdag nito, upang matiyak na matutulungan nila ang lahat ng nangangailangan dahil sa pagsabog ng nasabing bulkan, mayroon na silang itinayong Regional Disaster Response Office sa Lipa City, Batangas.