-- Advertisements --
4a map
calabarzon.denr.gov.ph

Naitala ngayon sa Region IV-A o Calabarzon ang pinakamalaking pinsala sa imprastraktura matapos manalasa ang bagyong Paeng.

Sa P4.3 billion na kabuuang pinsala, nasa P1.2 billion dito ang mula sa Calabarazon o ang rehiyon na kinabibilangan ng mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), base sa pinakahuling situational report, ang kabuuang pinsala ng 722 na imprastraktura ay pumapalo na sa P4,309,850,765.88.

Ang bilang ng pinsala sa Calabarzon sa imprastraktura ay 111 at mayroon itong kabuuang halagang P1,243,670,800.

Sinundan ito ng Mimaropa na mayroong 191 na napinsalang imprastraktura na nagkakahalaga ng P794,207,400 at Bicol Region na mayroong 180 na na-damage na infrastructure na may halagang P793,374,689.99.

Samantala, base sa report ng Department of Agriculture (DA) mayroon nang P2,989,090,147.535 ang damage sa agriculture sector sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pero sinabi ng DA na ang pinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng ay pumalo na sa P3.16 billion.

Ang Bicol Region ang may pinakamatinding pinsala sa agrikultura na P924,124,008.65.

Iniulat naman ng National Irrigation Administration ang P96,102,000 na pinsala sa Cagayan Valley at Bicol Region.

Lumobo naman sa 156 ang bilang ng mga namatay habang 37 ang nawawala at 141 ang nasugatan.

Mayroon pa ring 107,343 displaced people o 26,731 families ang nananatili sa 954 evacuation centers, habang 920,586 katao naman o 325,664 families ang nananatili sa labas ng evacuation centers.

Pumalo na rin sa 4,623,408 katao o 1,269,166 families Sa 9,481 barangays sa bansa ang naapektuhan ng malakas na bagyo.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 34,698 na nasirang kabahayan dahil sa bagyo at 31,558 dito ang partially damage habang 3,140 ang totally damage.

Papalo na sa 120 na kalsada at 68 tulay ang hindi madaanan dahil sa bagyo.