Patuloy ang ginagawang effort ng Indian Coast Guard para mahanap ang apat na iba pang tripulante na nawawala matapos maganap ang malaking sunog sa isang Singapore-flagged cargo ship sa kalagitnaan ng Arabian Sea malapit sa baybayin ng Kerala, India.
Sa kasalukuyan, 18 sa 22 miyembro ng mga tripulante ang nailigtas na ng Indian Coast Guard. Nabatid na ang nawawalang apat na crew ay mula sa Taiwan, Myanmar, at Indonesia.
Nagpadala na rin ng tulong ang Singapore Maritime and Port Authority (MPA) upang suportahan ang operasyon.
Magugunitang galing pa sa Colombo, Sri Lanka ang barko na papuntang Mumbai, India, ng iulat ng pamunuan ng barko na may narinig silang malakas na pagsabog sa isang container kung saan 50 containers mula sa barko ang nahulog sa dagat.
Samantala nag-isyu ng babala ang Indian National Centre for Ocean Information Services (INCOIS) tungkol sa posibleng oil spill at mga debris mula sa barko, na maaaring magdulot ng panganib sa kalikasan.