Posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, Hunyo 6 ang low pressure area (LPA) na namataan sa may silangang bahagi ng northeastern Mindanao o Caraga region kaninang alas-3:00 ng hapon.
Ayon sa state weather bureau, magdadala ng kalat-kalat na mga pag-ulan ang trough o extension ng LPA sa parte ng Eastern Visayas at Caraga regions.
Iniulat ni state weather specialist John Manalo na may tiyansang mabuo ang naturang LPA bilang bagyo. Kung sakali ito ang kauna-unahang bagyo sa bansa ngayong 2025 at tatawagin sa local name na “Auring”.
Subalit mababa aniya ang tiyansa na mabuo ito bilang tropical cyclone sa sunod na 24 oras at maaaring ma-develop sa weekend o susunod na linggo.
Mababa din ang tiyansang lumakas ito bilang tropical depression.
Inaasahan din aniya na nasa isa o dalawang bagyo ang papasok sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.