-- Advertisements --

Nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon “Bavi” na tatawaging “Inday” kapag tuluyang pumasok sa bansa.

Namataan ang bagyo sa layong 2,845 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa sentro at may pagbugso hanggang 250 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Ang nasabing sama ng panahon ay inaasahang hahatak ng habagat sa susunod na linggo.

Samantala, patuloy na nakakaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas na nagdudulot ng mainit at maalinsangang panahon, kasama ang posibilidad ng mga pag-ulan at thunderstorms.