-- Advertisements --
afpcent1

Nagbabala ang Department of Finance na posibleng matagalan pa bagong maging sustainable ang reformed military and uniformed personnel pension system sa bansa kung sakaling mga new entrants lamang ang imamandatatong mag-contribute dito.

Ayon kay Finance Undersecretary Alu Tiuseco, sakaling mga bagong pasok na military at uniformed personnel lamang ang kabilang sa kontribusyon ukol dito ay posibleng umabot pa ng hanggang 60 taon o anim na dekada bago tuluyang maging sustainable ang isinusulong na reformed MUP pension system sa Pilipinas.

Paliwanag ng opisyal, ito ay sa kadahilanang kinakailangan munang mapunan ang mga dapat na magiging kontribusyon ng mga retired at active military and uniformed personnel.

Dagdag pa niya, maaaring makamit ang sustainability nito sa mas maikling panahon kung lahat ng mga military and uniformed personnel ay magko-contribute ng kanilang retirement funds.

Kung maaalala, una nang kinwestyon ni Department of National Defense Secretary Gilbertor Teodoro Jr., ang inaprubahan ng Kongreso na substitute bill ng reformed military and uniformed personnel pension system sa bansa na nagtatakda ng panukala na mandatory contribution ng mga military personnel maging sa mga nakakumpleto na ng kanilang 20 taong pagseserbisyo.