-- Advertisements --
Pinawi ng Department of Energy (DOE) ang pangamba ng karamihan na magkaroon ng “red alert”warning sa mga pangunahing power supply sa bansa sa buong taon.
Sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra, na asahan lamang ang “yellow alerts” sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Itinataas lamang kasi ang Red Alert dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente habang ang “yellow alerts” ay itinataas kapag mayroong mababang suplay ng kuryente na magdudulot ng rotational brownouts.
Asahan na hindi bababa sa 15 mga yellow alerts ngayong taon sa Luzon bunsod ng mataas na demand ng kuryente.