Extended pa rin ang red alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahit humina na at papalayo ang typhoon Bising.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, sa panayam ng Bombo Radyo, magda-divert lang sila ng focus mula sa bagyo at balik naman sila sa iba pang trabaho ng kanilang ahensya.
Pagbabahagi nito, ginagampanan na rin nila ang paghahatid ng mga protective materials para sa frontliners, pagbili ng testing kits at iba pang kailangan para sa COVID response ng pamahalaan.
Mula aniya sa national level hanggang sa local chapters ay abala rin ang kanilang mga tauhan.
Iiral aniya ito hanggang hindi pa humuhupa ang pandemya at mga problemang kaakibat nito.
Inamin din ng opisyal na may mga tinamaan na rin ng deadly virus sa kanilang ahensya, kung saan ang iba ay tuluyang binawian ng buhay habang ginagampanan ang tungkulin.