Nilinaw ng ilang health experts na limitado lamang ang pagiging epektibo ng Remdesivir sa kabila ng kakayanan nitong paiiksiin ang recovery ng time ng isang pasyente na may COVID-19.

Inaprubahan noong nakaraang linggo ng Ministry of Food and Drug Safety mula South Korea ang paggamit ng naturang experimental drug para labanan ang coronavirus disease.

Naging malaking katanungan din ang pagiging epektibo nito sa mga Asians maging sa mga COVID-19 patients na nasa malubha nang kalagayan.

Ang mga pasyente na nakatanggap umano ng Remdesivir ay kaagad na gumaling kumpara sa iba pang pasyente na placebo naman ang natanggap, batay sa report na inilabas ng US National Institutes of Health (NIH).

Unang inilunsad ang clinical trial ng gamot sa 1,063 pasyente mula Estados Unidos kung saan 31% sa mga ito ang kaagad na gumaling.

Sa ngayon ay inaasikaso pa ng South Korea ang clinical test ng Remdesivir ngunit ayon sa health ministry ng bansa na pumayag ang NIH na mag-import ng nasabing gamot.

Sa kabila nito ay binigyang-diin din ng mga medical experts na limitado lamang ang pagiging epektibo ng gamot sa mga Asians kaysa Caucasians.

“The result is due to the fact that there were not that many Asian patients participating in the trials,” wika ni Kim Woo-ju, infectious disease specialist mula Seoul’s Korea University Hospital.

“We should consider conducting a separate study to show the efficacy of Remdesivir in Asian patients.”

Ayon pa rito, hindi umano epektibo ang Remdesivir sa mga pasyenteng sumasailalim sa extracorporeal membrane oxygenation (ECMO) treatment.