-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mas bumagal ang recovery ng pagpapadala ng mga land-based OFWs (overseas Filipino workers) kumpara sa sa sea-based employments noong 2021.

Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia, nasa 30 percent lang ang land-based deployment ng OFWs habang pabalik na sa pre-pandemic level ang pagpapadala ng sea-based OFWs sa nakaraang taon.

Dagdag pa ni Olalia na umangat man ang sea-based ngunit hindi pa rin ito gaano kabilis.

Aniya, bumaba naman ng mahigit 74 percent ang deployment ng OFWs noong 2020 dahil sa Covid-19 pandemic.

Nauna nang iniulat ng kagawaran na mas dumadami ang oportunidad ng mga trabaho sa abroad para sa mga seafarer at healthcare worker kasunod ng pagluluwag ng iba’t ibang bansa sa pagpapatupad ng Covid-19 restrictions.

Muling nagpaalala si Olalia sa mga nais magtrabahon sa ibang bansa na mag-ingat laban sa mga illegal recruiter.