-- Advertisements --

Susubukan daw muli ng Commission on Human Rights (CHR) na humingi ng kopya ng mga dokumento kaugnay ng war on drugs sa ngayong si Vice Pres. Leni Robredo ay bahagi na ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang panayam sinabi ni CHR chairman Chito Gascon matagal na silang nag-request sa ICAD para magka-access sa mga dokumento na may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Pero ilang beses din umano sila hindi pinayagan ng komite, partikular na ng Philippine National Police.

Aminado si Gascon na hindi maaaring sumali ang CHR sa mga inter-agency bodies dahil nasa ilalim ng executive branch ang kanyang ahensya.

Sa kabila nito, handa raw ang komisyon na maimbitahan sa mga meetings ng ICAD, gayundin na pagsumitehin ng policy papers.